[Ebook] ➠ It's a Mens World Author Bebang Siy – Agedanna.info

It's a Mens World Parang simpleng kwento pero tumatatak sa puso t damdamin ng mambabasa Simple pero malalim ang mga kahulugan at ibig ipakahulugan nito Mga istorya na magkahalong katatawanan, saya, kirot, hapdi, silakbo ng damdamin, at mga aral na magiging inspirasyon upang ikaw ay magtagumpay sa iyong mithiin sa buhay.Mga karanasan na magpapatibay sa iyo ng loob at damdamin upang kaharapin ang mga pagsubok sa buhay na sa huli ay parang masasabi mong wala lang mga dinaanan lang ng buhay Hanga ako sa katapangan at memorya sa pagtatanda ng kanyang mga karanasan Mga istorya ng ating karanasan o napagdaanan kaya lahat tayo ay may kinalaman at bahagi ng kanyang kuwento Ipinapakita rin dito ang relasyon ng isang Ama sa kanyang anak na babae, ang unang niyang crush, ang kanyang First Date, ang kanyang BFF na lalake, at sa huli ang nagpatibok ng kanyang puso at kanyang inspirasyon sa pagsulat nito.Istorya ng isang babae ng mag dalaga y umikot sa mundo ng mga kalalakihan bilang inspirasyon, pag ibig, sakripisyo, balakid, pagsubok, at pagtatagumpay Dapat basahin ng mga kalalakihan upang malaman nila na ang buhay ng isang babae ay higit pa sa sakripisyong alay nila Ang babae ay marupok, mahina, sensitibo subalit matapang, masipag, at likas na mapagmahal. Unang Nagka Mens Ang Kapatid Kong Si Colay Kesa Sa Akin Ten Years Old Siya Noon At Ako, Magtu Twelve Sabi Ng Mga Pinsan Ko, Nauna Raw Si Colay Kasi Mas Mataba Siya At Mas Aktibo Sa Paggalaw Galaw Kesa Sa AkinNaging Sentro Ng Atensiyon Si Colay Noong Araw Na Reglahin Siya Lahat Kami, Nasa Labas Ng Kubeta, Naghihintay Sa Paglabas Ng Bagong Dalaga Pagbukas Ng Pinto, Itong Stepmother Ko, Biglang Pumasok Hinanap Niya Ang Panty Ni Colay Sa Loob Ng Kubeta Gulat Na Gulat Si Colay Siyempre Bakit Tanong Niya Sa Stepmother NaminLabhan Mo Tubig Lang Wag Kang Gagamit Ng Sabon Kusot Kusot Lang Tapos Ipunas Mo Sa Mukha Mo Yang Panty Tapos Sabihin Mo, Sana Maging Singkinis Ng Perlas Ang Mukha Ko Ulit Ulitin Mo Habang Ipinupunas Mo Sa Mukha Mo Ang Panty Mahapdi, Madugo, ngunit Masaya Mga Alaala ng Kamusmusan Suring Aklat ng It s A Mens World ni Bebang Siy Naranasan mo bang maglaro ng mataya taya, patintero, langit at lupa, at Chinese garter sa kalsada E, mangupit ng pera o pagkain Nasubukan mo na bang mamili sa Divisoria kasama si Nanay at uminom ng inilalakong samalamig doon Tuli ka na ba O, kung buhat sa angkan ni Eba, nagkaregla ka na ba Kamusta naman ang experience Bakit ba ganoon ang kabataan, masakit, mahapdi, madugo kung minsan, kahit ayaw mo, may sabit pang kahihiyan Dyahe, di ba Iba t ibang karanasan, sari saring pinagdaanan, yan ang koleksyon ng mga sanaysay sa It s A Mens World ni Bebang Siy tungkol sa kanyang paglaki t pagkabata.Bago pa man tumaas ang kilay o isiping naduduling ang paningin ng ilan, walang typographical o grammatical error ang pamagat Hango at laro ang mens na kilalang dagli at balbal mula sa unang pantig ng salitang mens truation Kung sasagi sa isipan, malikot ang imahinasyon sa likod ng titulo, gaya ng isang maharot na ngiting bigla na lang bubungad sa iyong labi.Buhat ang titulo ng aklat sa una sa dalawampung sanaysay na napakaloob dito na tumatalakay sa ano pa nga ba kung papaano unang nagka mens ang batang Bebang o Bebs, na kanyang palayaw, at ang kanyang nakakatawa at masalimuot na pagtungtong sa pinto ng pagdadalaga at kamalayan.Ngunit di lang umiikot o tinutuldukan ng period o buwanang dalaw ang mga personal essays ng may akda Kinatatampukan din ito ng mga eksena ng drama ng kanilang pamilya tulad ng kung papaanong kinidanap silang magkakapatid ng kanilang ama, ng kanyang mga masisipag at subsob sa trabahong tiyuhin, ng karumaldumal na pagkamatay daw ng isang outstanding na gago , mga hang ups ng batang lumaking pinagpapasa pasahan ng isang nasirang tahanan, kasama ng ilang nakakakilig na mga payo na dapat gawin sa first date, at ang kaligayahan sa pagkakatagpo t muli pagkikita ng magkaibigan.May puntong magaan, matapang, kapanapanabik, nakahihiwa, nakakainis ang mga pangyayaring inilalahad ni Bebang, ngunit garantiya kong wala kang pahinang hindi hahagikgikan, tatawanan Waring mga lumang larawang magpapaalala ng pinagdaang kabataan ang bawat sanaysay mahirap na hindi maiugnay ng mambabasa ang sarili sa mga karanasan, damdamin at lugar na nilakbayan ng manunulat, pati sa mga pagkaing sa isang bahagi ng buhay ay ninamnam, inumit, kinaingitan din ng minsan o labis na nagbibigay gunita, masaya o mapait man, sa isang mahal sa buhay.Animong ragasa ng dugo ng unang regla ang mga isinalaysay sa It s A Mens World, di ko mawari ang dami ng dugong inilabas din ng pluma ni Bebang Siy upang mailahad lahat ng ito nang walang takot at buong tapang kahit pa magmukhang katawa tawa at lukaret sa mata ng ilan, sa kung papaanong paraan natin tinutuya ang babae na di pansin ang namumuong mantsa sa likod ng kanyang suot na palda at sa mapulang ilog na dumadaloy sa pagitan ng kanyang mga hita.Ngunit sa pagkakataong ito alam niyang ang mga halakhak ay hangin, walang kabuluhan Hinubog ng panahon, karanasan at kamalayan na hindi siya alipin ng nakaraan at kung nalagpasan niya ang unos ng nakalipas, handa ang loob niyang harapin ang iba pang darating.Tuli o supot, regular o irreg man ang regla sa iba nga tumigil na , ang mundong ito di lang pang men s o pangkababaihan, di nahahati ng mga ritwal patungong kamuwangan Dahil hindi nagkakaiba ang pintong tatahakin ng bawat isa sa tunay na kaganapan.Detalye ng aklat Ika 53 para sa taong, 2012Inilathala ng Anvil Publishing, Inc Paperback, Unang limbag, 2011 173 na pahinaSinimulan nang October 17, 2012Natapos nang October 20, 2012Ang Aking Rating Makikita rin ang suring aklat na ito at iba pa sa aking book blog, Dark Chest of Wonders. Disclaimer I was tasked to judge 3 books for the Essay Category for the 1st Filipino Reader s Choice Award and here s my short review of the winner, It s a Mens World by Bebang Siy I m so glad I bought a hardcopy of It s a Mens World by Bebang Siy Such a wonderful and refreshing read The author s informal use of the language, seamlessly inserting Taglish terms here and there, quickly disarmed this reader It felt like having a conversation with a close friend The author s throbbing honesty coupled with her unconstrained humor pervaded her essays with an authenticity that s endearing I can t help but care as well as laugh with the author I also like the way the essays were structured differently from each other, as if the stories within them were not interesting enough, these variations felt like icing in the cake I never encountered a dragging essay in this book I even read the entire Pasasalamat part hehe I just wished that she wrote an Introduction to offer some sort of beginning and a summation as well as a preparation for the reader I would definitely read whatever this promising author writes in the future. I did not expect anything before I read this book then this became one of the books that I enjoyed reading cover to cover.Ito ang mga post ko sa discussion sa Pinoy Reads Pinoy Books oo, recycle hahaTungkol kay BebangNaririnig rinig ko lamang ang pangalan niya pero di ko pa nasubukang basahin ang kanyang mga gawa Nakita ko pa man din yung libro niya nung MIBF, di ko pa binili Natuwa ako dun sa mapa dahil sa notes tugs tugs tugs tugs Naalala ko yung Catch A Falling Star ni Cristina Pantoja Hidalgo kasi parehong pinoy na bata at coming of age yung istorya kaso lang yung kay Christina English at middle class yung bidang si Patricia samantalang mas pang masa yung kay Bebang DIt s a Mens World view spoiler Noong hindi ko pa nabasa miski yung buod, akala ko yung mens dun sa libro eh sinadyang mali kasi akala ko maling English yun kasi nga bata yung nasa cover haha.Ayun nakarelate agad ako sa kwento May mga kapatid kasi ako, naglalaro na parang walang bukas at yung mens hahaPinakita rito ang sibling rivalry na bihirang mawala sa pamilya Yung iba kasing magulang pinapakita na mayroon silang paborito, yung iba naman pinagkukumpara ang mga anak o minsan sadyang naiinggit sa atensyon competitive lang ang mga bata.At yung paghihigpit ng magulang lalong lalo na yung tatay pagdating sa manliligaw Pumi pick up lines tong si Michael eh haha view spoiler Ba t nakikipaghabulan ka pa sa min Me gusto kasi akong habulin hide spoiler Katulad ng marami na sinubukang sumisid sa alindog ng librong ito, isa rin ako sa mga nagsikunot ng noo t nagsitaas ng kilay sa titulo nito Sa unang tingin kasi, aakalain mo talagang nagkaroon ng isang matinding pagkakamali sa pagkaka imprenta ng suklob nito It s a Mens World hindi ba t kulang ng kudlit Isa pa, ang pangunahing pumasok kasi sa isipan ko pagkabasa nito ay ang isang tagpo sa American TV series na Glee, iyong parteng nagdadalang tao si Quinn Fabray at kinanta iyong It s a Man s Man s World with matching preggy back up dancers na waring nagngingitngit sa galit at kinokondena ang mga kalalakihan Sa madaling salita, inaasahan kong ang nilalaman ng librong ito ay patungkol sa peminismo, lalo pa t ang awtor ay isang babae rin Ngunit sa oras na buklatin ang libro t mapagawi sa unang sanaysay, aha, iyon na Kaya naman pala Hindi rin naman pala nalalayo sa inaasahan ko ang librong ito Sentro man ng buhay ng awtor ang kinukwento, ipinapakita rito ang natural na kalakasan ng mga babae hindi iyong kalakasan na naikabit na sa imahe ng mga lalaki, ngunit ang kalakasang maimamanipesta lamang ng mga desendyente ni Eba Lumulutang sa bawat pahina ang katapatan at katapangan ng manunulat May mga nakapaloob rin ditong ilang seryosong isyung kinakaharap ng marami sa ating mga babae na binudburan naman ng katatawanan at kalokohan ng pilyang si Bb Bebang Siy Maiikli lamang ang bawat sanaysay ngunit maaabot mo ng todo todo ang nais nitong ipahiwatig sapagkat gumamit ang awtor ng epektibong paraan ng pagsasadula ito iyong parang magkakilala lang kayo t nagtsitismisan sa isang tabi Walang magagarang salita, natural ang agos ng pagkakwento Isa ring inspirasyon ang librong ito Ilang beses mang bumagsak ang awtor sa mahigpit na pagkakakapit sa buhay na inaasam asam, heto siya t patuloy na tumatayo upang magkaroon ng pagbabago Animo y isang gusgusing bata na nakikipaghabulan lamang sa mga tulad ding gusgusin ang dating imahen ng awtor Kay drama drama ng pinanggalingang pamilya at akalain mo iyon, kinidnap pa ng sariling tatay Ngayon, aba t nakapagsulat at nakapaglimbag pa ng libro Isang nakakatuwa, nakalilibang, ngunit matagumpay na paglalakbay mula kamuwangan patungong kaganapan P.S Ano na kayang nangyari kay Michael D Imagine if men had mens no, not men having culturally diverse men , and then on your first period cue celebratory fireworks some adult would step in and tell you to wipe your bloody underwear all over your face really, you have to wash it first but since you don t wash it with soap, well, don t get me started why the absence of micelles would freak me out in pursuit of a porcelain face Here s the thing, in reality you need a face of clay and heat it up to 1300degC That s masculinity being ripped out of someone s balls on his first period I ve had the pleasure of meeting Ms Bebang twice The second one was on September 15 I was held at gunpoint and either I buy this book or I die Just kidding Anyway, I understand why this book has this kind of humor, but I think this isn t even half as funny as the author herself, in person I never laughed out loud while reading this as the other reviewers have claimed and it doesn t bode well with me because something might be wrong with me, or wronger since I already am wrong in many places.To be fair, I don t really laugh at any book even if my mind says it s funny Only awful books make me laugh out loud, and always concluded with a scoff Then a physical book would hit a wall or an e book go straight to recycle bin But this book made me smile a few times I like how she uses words like pekpek, as if she s referring only to a leche flan Some stories are also relatable As a child, I often heard adults discussing adult issues It gets worse when your presence is acknowledged and you hear your parents talk about financial problems That s one of the reasons I grew up guilty enjoying small luxuries There are also stories that make your heart go out for her It seems, that Ms Bebang never really had the chance to take roots Nothing s unclear than growing up with a family falling apart as the backdrop Whenever I think of it, my mind always wander back to the image of a young girl eating porridge that tasted nothing like food but mother s tears. Gusto kong maging bestfriend si Bebang Ipapakilala ko sya ke Embong at ke Barang At buong araw magtatawanan kami tungkol sa aming pakikipagsapalaran, in short, ikwekwento ang aming buhay Barkada ko sila na nakilala sa medschool Pare parehong letter P ang umpisa ng aming apelyido, sabi nila, tandaan namin ang pagmumukha ng mga ito, sila ang aming groupmates sa loob ng 4 na taon, di nila sinabi, mga potential friends for life pala mga ito Ewan ko ba pero nag click kami agad, palibhasa y pare pareho kaming mga babaeng bakla, mga jologs Nagpumilit mag ingles sa akala naming Koreanong classmate na kasama sa grupo, yun pala maputi lang talaga at na nosebleed sa ka grupong Fil Am kahit kulay Ilokano ito Noong nauso ang F4, kami ang nag uunahang makipanood ng tv sa ka dormate, kapag may exams, sila din kasama ko sa cramming At lumaki na nga ang aming grupo, andyan na si Shawi, si Iamtot, Uds at si Chachi May normal din naman ang pangalan tulad ni Kaye at ni Weng na tawag namin ay Baronessa Babagay si Bebang sa aming barkada At dahil sa librong ito, pakiramdam ko y kilala ko na sya Hindi kasi madaling ikwento ang bawat dagok ng buhay, lalo pa kung isisiksik ito sa ilang pahina ng nobela Madugo talaga Pero makikinig ang aking barkada, may mag na nag, may susuporta basta lahat, may pakialam Kung gusto nya ng bubblegum, di nya kelangan sumikretong kumuha, magaambag ambag kami ng piso hanggang makabili nito para sa kanya Hahatian din namin sya sa strawberry shake Paborito ito ni Embong, wag lang ng chicken, pero kung si Barang ay kasama, iiwas muna ako at baka pilitin nya akong kumain muli ng papaya Kami na rin ang makikipaglaro ng tong its kasama ng kanyang nanay para kung matalo man sya, ibabalik na lang namin ang pera ke Bebang Kami rin ang kikilatis sa boypren, daig pa ang NBI kung maghanap ng sikreto at makapagtanong, ewan ko lang kung makapagsinungaling pa ito Pero may kanya kanya din namang dagok ang aming buhay, may tatay na na kidney transplant, may ilang beses din nakunan bago nakapagsilang, may nabuntis, may niloko ng lalake, naghabol ng lalake at nang iwan ng lalake Di man kami magkakasama ngayon, ramdam namin ang bawat isa At kung nagkikita kita, eh parang walang buwan o taon ang lumipas, pareho pa rin ang samahan Pare pareho din kaming tamad magtext Sa pagbabasa ng librong ito, ramdam ko na naguumapaw ang aliw factor Ang mga emosyon, raw May pisil sa puso at kiliti sa batok Minsan, di maiwasang maalala din ang panahon ng pagkamusmos at inosente Noong nagkamens na rin at natutong lumandi, ganun din ang panahon na natutong tumayo sa sariling paa at magpasan ng ibang kapamilya Di ko rin maiwasan maalala nga ang aking barkada Tulad kasi ng istorya ni Bebang, kaming lahat ay di nawalan ng pag asa Natuto kaming sumabay sa agos nito at kung may alon mang sumalubong natuto kaming magsurf At kung kinakailangang sumisid, may nakahandang SCUBA gear Basta sa dulo ng bawat unos ng buhay, may bahagharing magshi shine Kung corny ang jokes, gumawa ng binatog, kung cheesy ang lines, magdala ng pandesal at ipalaman ito Kung sh t happens, bring a kleenex Kapag may problema, tawanan ito tapos maghanap ng solusyon Basta tandaan, laging may pag asa Kung hirap na talaga, may lifeline ka, call a friend ika nga Now everybody sing Shine bright like a diamond Naghahanap ka ba ng babaeng version ni Bob Ong Puwes, hindi ito ang aklat para sa yo.Una kong nakilala si Bb Bebang Siy noong undergrad pa ako Akala ko din noon, yung ang pseudonym nya dahil patok na patok si Bob Ong non Yun ang tinatawag kong Curse of Bob Ong Sa panitikang Pilipino, sa genre ng kakatwang sanaysay, sinumang manunulat ang malimbag matapos kay Bob Ong, madalas sa hindi ay makukumpara at matatalo Ngunit ang aklat ng mga sanaysay ni Bb Bebang ay HINDI DAPAT ikumpara at makukumpara.Ang It s a mens world ay koleksyon ng mga personal essays ni Bb Bebang sa mga nakaraang taon Karamihan sa mga ito ay pagbabalik tanaw sa kanyang pagkabata at pagkadalaga Sa unang dinig, akala mo wrong grammar lang yung title, pero kapag nagets mo naLaking Maynila si Bb Bebang ngunit may panahon ding nanirahan siya sa probinsya Natuwa ako habang nagbabasa dahil sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng aming mga karanasan May mga binabanggit syang brands na uso at kinahuhumalingan ng mga bata noon ngunit wala na ngayon.Humagikhik ba ako nang malakas Hindi Pero hindi ito isang bawas na puntos ng libro Bawat isang sanaysay ay may dalawang mukha ang inosenteng mukha at ang seryosong mukha Sa likod ng mga kakatwang kwento ay may masakit na realidad, at sa dulo ng sanaysay ang biglang tama at bagsak.HINDI DAPAT ikumpara si Bebang kay Bob Ong Siya ay may mukha at pangalan sa isipan ng mambabasa may mga maliit na retrato nya bilang bata Bawat kahihiyan, kasamaan, kabutihan, kababawan na mahihinaho sa mga sanaysay nya ay babalik sa imahe nya Bawat pangookray at pambabara sa mga kamag anak at kaibigan ay maituturo sa kanya Mahirap ang ganoon, nangangailangan ng katapangan at kabuuan ng loob at pagkatao Kaya saludo ako kay Bb Bebang. Originally posted here.Matagal ko nang batid ang tungkol sa aklat na ito ng noon ay bagong manunulat na si Bebang Siy Nanalo kasi ito sa kauna unahang Filipino Reader s Choice Awards na kaakibat ng Filipino Reader Conference noong 2012 sa kategoryang Essay Anthology Agad akong naghanap ngunit naubusan na raw ng kopya nito ang mga bookstores na malapit sa amin Nakiusap pa ako sa aking kaibigan na isabay ako sa kanyang pagbili nang siya ay makakita ng ilang kopya sa kanyang sariling paghahanap.Ang It s a Mens World ay koleksyon ng mga sanaysay at kwento na halaw sa buhay at mga karanasan ng manunulat nito na si Bebang Karamihan dito ay nangyari noong mga taon ng kanyang kabataan, hanggang sa siya ay magka edad at nagkaroon ng mas malawak pang pang unawa sa mundo at mga bagay na nagpapaikot dito May mga kwentong nakakaantig ng puso, may mga kwentong nakakatawa, at meron ding ilan na makapagpapaalala sa iyo ng isang bahagi ng sarili mong buhay marahil dahil personal mong naranasan ang nasa kwento o di kaya nangyari ito sa isang taong malapit sa iyo Sa lahat ng mga salaysay na nakapaloob sa akdang ito, mayroong dalawa na nagdulot ng kirot at kalungkutan sa aking puso ito ay ang Sa Ganitong Paraan Daw Namatay Si Kuya Dims at Ang Lugaw, Bow Sa kwentong Sa Ganitong Paraan Daw Namatay Si Kuya Dims, isiniwalat ng manunulat ang isang matapang at matatag na bahagi ng kanyang pagkatao Hindi lahat ng tao babae man o lalaki ay magkakaroon ng lakas ng loob na tanggapin at, sa pagkakataong ito, ilantad ang isang maselang karanasan na nangyari noong siya y isang bata pang walang muwang Naiisip kong isang paraan ito ng catharsis o paglalabas ng mga natatagong hinanakit, ngunit napakahirap ring isipin na ito ay isa ring paglalantad ng pasumandaling dumilim na saglit noong kanyang kabataan Wari ko ay wala akong lakas ng loob na isulat ang ganoong pangyayari sa buhay ko, at dahil sa kanyang katapangan, nagpupugay ako kay Bebang.Sa kabilang dako, naalala ko naman ang aking pumanaw na ama sa kwentong Ang Lugaw, Bow. Katulad ng tatay sa kwentong ito, laging inuuna ng aking tatay ang tawag ko sa kanya ay Daddy ang mga pangangailangan naming magkapatid bago niya intindihin ang kanyang sarili Ang pagkakasulat ng mga akdang ito ay maihahalintulad sa isang liham na isinulat para sa isang kaibigan hindi pormal ang mga terminolohiya na kadalasan ay Taglish, at mayroon ding pabalbal na mga salita o mga salitang kanto Sa aking palagay, ito ang dahilan kung bakit malakas ang hatak o charm ng aklat na ito sa ordinaryong Pilipinong mambabasa prangka, tapat, walang halong kiyeme, at walang pagbabalat kayo ang bawat salaysay at ang paraan ng pagsasalaysay Sa aking personal na opinyon, at dahil na rin siguro sa hindi nalalayo ang aking edad sa naiisip kong edad ng manunulat, nakaugnay ako sa ilan sa kanyang mga kwento katulad ng Chiclet na usong uso noong 80s at naging paborito ko ring kainin, ipinagbawal man ng mga magulang ko ang pagkain ng mga chewing gum Pamilyar din ang mga lugar na binanggit sa akda ang maliit na komunidad sa bandang Ermita, Manila na kalapit ng Ermita Shrine at Ermita Catholic School na isang tawid lamang ay Manila Bay na Dahil kabisadong kabisado ko na rin ang lugar na ito, hindi ko mapigilang makita sa aking isip ang mga bagay na ikinukuwento ng manunulat Madaling basahin at intindihin ang aklat na ito, ngunit naisip ko na kung walang kalakip na katapangan o katapatan ang mga salaysay na nilalaman nito ay magiging isa lamang itong ordinaryong akda na kayang ibalangkas ng kahit sinong may kakayahang magsulat at may mga katulad na karanasan Sa aking aba at hamak na opinyon, hindi ko maituturing na hindi pangkaraniwan o exceptional ang It s A Mens World sapagkat wala naman itong iniaalay na kakaiba sa aking panlasa Maaaring napatawa ako nito sa ilang kwento o nakapagdulot ng kalungkutan sa iba, ngunit ito ay hindi nag iwan ng matinding impresyon sa akin upang ituring ko ito bilang isang pambihira o natatanging akda.


About the Author: Bebang Siy

Si Beverly Siy ay nagtapos ng BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino cum laude sa UP Diliman Naging fellow na si Bebang sa UP at UST National Writers Workshops at naging aktibong bahagi ng pamunuan ng UP Writers Club at LIRA noong Hulyo 2006, inilabas ang kanyang maikling kuwento bilang bahagi ng Hilakbot I, Loyola High, at City Lights, mga aklat na pang adolescent Sa Setyembre, lalabas na ang k


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *