[Read] ➬ Ang Banal na Aklat ng mga Kumag By Allan N. Derain – Agedanna.info

Ang Banal na Aklat ng mga Kumag Gustonggusto ko ang pagkakahabi ni Allan Derain ng iba't ibang kuwentong Bayan napakametafiction po pala nito. Nanglilibak pero muling isinaayos... Malupit, syet! isa lang masasabi ko sa aklat na ito WASAK!

Masarap pala ang maging Kumag (maliit) dahil sila ay pinagpapala rin. May nakahandang pagbabago at gantimpala ang mga taong maliliit, inaapi, mahihirap, at walang halaga. Bibigyang halaga sila dito sa pamamagitan ng isang Manunubos o Tagapagligtas.

Kinapapalooban ng mga Kasaysayan at Alamat tulad ng Ibong Adarna, Ang Kwento ng Pagong at Matsing at pahapyaw sa mga kaganapan kay Dr. Jose Rizal, maging ang teorya ng sangkalupaan batay sa siyensiya sa pagkakalikha ng mundo at kalawakan.

Nakakaaliw at kapanapanabik ang mga tagpo at kaganapan lalo't ang tungkol sa giyera ng mga unang nilalang maging ang rebolusyon ng mga Kumag. Nakakatawa ang mga sinasabing kwento at ejemplo.

Natutunan kong respetuhin ang paniniwala, pananampalataya, prinsipyo ng mga taong sadyang may paninindigan tungkol sa pagiging tatlong Persona ng Dios, Tagapagligtas, at Sugo. Ang libro na ito ay pinaghalong Relihiyon, Sarcasm at Pangagago, and I liked it.

Halos lahat ng nakikita ko na rating sa libro na to ay 4 or 5 stars. Ako lang ata ang may lakas ng loob magbigay ng 3 (wahahaha)though at the back of my head, I can't help but think that I didn't "get" it because I didn't give it 45 stars. I liked it because if anything else, IT IS VERY WITTY AND INTELLIGENT AND DIFFERENT IN A WEIRD WAY.

Ang galing at ang taba nanaman ng utak ng nagsulat ne'to. You're basically reading a Bible Narrativefrom how everything was created to how it is supposedly saved. You have the Spanish Period, AntingAnting and that scary Latin amulets you see in Quiapo, the Kyrie Elesons your Lola mentions in your September padasals, Ibong Adarna, Rizalistas, that infamous Mall where the Legenary Snake apparently lives, Christianity and folklore, and even a religious sect named The Evangelist of Positive Thinking and Lifestyle in the Story, told in deep Filipino, so deep I wished I had a Dictionary while I was reading the booktold into one solid narrative.

Then you have an element of panggagago which will tell you not to take everything in the book so seriously. Case in point, when I learned that this Manunubos of the story is named JOJO I laughed hard. Imagine praying to someone named Jojo, parang nagdadasal ka lang sa manginginom dun sa kanto. I also learned that this book will be different the moment that you read that in the beginningthere was supposedly this one giant nose where everything came from.

Definitely didn't expect the Plot Twist at the ending thoughand when I book endedI had to reread the Prologue again just so I'll have this sense of closure. Quite enjoyable, if you can handle the weird, and the Filipino.
malikhain ang pagtatagpi ng mga pangyayari Whoah, tough read. Tagal na rin nung huling roller coaster experience ko sa pagbabasa ng isang libro. Sa pasingitsingit na pagbasa sa loob ng apat na araw tuwing gabi, natapos ko rin.

Okay. Una, wala talaga akong kahilighilig magbasa ng ganitong tipong kwento, kahit pa nung estudyante pa ako, mapaparabula, pabula, alamat, kwentong bayan, kwentong nasa textbooks na kadalasan ay may mga diyos at engkantong nagtatagisan, mga kahariang nasa peligro, may mga prinsipe, prinsesa, obstacles, enchanted ek ek, o kahit Noli at El Fili, pinilit ko lang basahin noonpero siyempre binasa ko na ulit ito pagtanda ko nang may sinseridad at handa nang kaisipan. Pwera pa rin yung mga kuwentong fantastiko.

Pero grabe 'tong isang 'to. Rambolrambol mga genre at trope, na gaya nga ng mga nasabi sa intro ng aklat, nasa sensibilidad ito at estetika ng postmodernismo, partikular na ang metafictiono mas umiikot sa aspekto ng Fabulation (sa mga bahagi nitong kagilagilalas, puno ng mito, hiwaga at mahika), Poioumena (sa istrukturang metafiction na tungkol sa pagsulat ng aklat, kung paano ito nahuhubog, na ang bawat isinasalaysay na kuwento ang siyang binubuong katawan ng aklat, habang nakapaloob pa rin sa kwento ang tagapagtala/salaysay) at paghahalo ng Histograpikong naratibo na humahabi naman sa mga tunay na pangyayari, ethos at milieu ng iba't ibang panahon kahalo ng mga kathang isip. Halos naging saga na ito, o mas higit pa, mas exhaustive, encyclopedic halos, halimbawa nga'y ang satirikal nitong paghihimay sa ibang sulatinkanonikal man tulad ng Bibliya at mga parabula nitongunit nakasangalangalang pa rin ang konteksto't diwa ng orihinal na naratibo (ang monymyth nito to be precise) na siyang nagsilbing padron o template ng paglalaro sa naratibo ng panibagong kuwentomga katangian naman ng Intertextuality at Pastiche, kung saan ang mga naunang mga nailathalang teksto (kilala man o hindi) mula sa ibang sulatin ay hiniram o sadyang ginamit nang walang habas upang gawing elemento sa hinahabing sariling kwento, halimbawa'y kung paano napagtagpitagpi ni Sir Derain ang mga karakter at kaganapan mula sa iba't ibang naratibo /mundo (gaya ng Bibliya, Adarna, mga kuwentong bayan, aktwal na kasaysayan, kultong rizalista at Nativismong sulatin etc etc.) bilang magkakaugnay na pangyayari na pinagtatampukan ng mga bagong tauhan na kumatawan sa mga padrong tauhan mula sa mga tekstong nabanggit. Grabe lang. Kaya't ganoon na lang din ang takbo ng panahon sa kuwento, ang mga juxtaposition at temporal distortion ng kaganapananakronistiko at ironiko na tila mabalintuna, pero, balido bang sabihin iyon sa mundo ng magic realism? Kung saan ang lohika at realidad ng mga tauhan doon ay iba sa tunay na buhay, subalit dahil iyon ang absolute truth para sa kanila, naging kapanipaniwala pa rin sa mambabasa.

Kaya bewildered ako sa mga nabasa ko, may mga sandaling ayokong basahin nang tuluyan at buo ang mga dasal dahil sa pangamba at biglang pagiging superstitious na marahil e nahawa at nadala nga kasi ako sa mundo ng mga tauhanpatunay na epektibo ang daloy ng kuwentokahit parang hindi, o hindi dapat, sapagkat batid o aware ka naman na kathangisip lang naman lahat ito. Thus, naisakatuparan ang bisa ng pagmemeta. Napagtanto ko ngayon lang kung bakit ganoon ang pamagat at intro ni Sir Jun.

At higit sa lahatnakupo!ang mga ilustrasyong kalakip. Damn! Sobrang ganda ng mga drawing, na gusto ko maiyak sa pagkaantig. Grabe, bagay na bagay talaga sa ganoong istilo ng prosa, kuhangkuha yung feel ng conceit na gustong ipamalas ni Sir Derain sa kwento. Hands down! Hindi ko akalain na ang nagsulat ng Iskrapbuk (isa pang aklat ni Sir Derain) ay isa ring mahusay na ilustrador. Sa totoo lang, mas humanga ako sa pagguhit niya kesa sa kabuuang kwento, o hindi rin, patas lang siguro. Basta, kakaibang reading experience talaga, animo'y pakikipagbuno sa pwersang makababalaghan. haha.

Medyo problematiko lang sa akin ang cover design, pasensya na sa dibuhista. Kaya siguro naeetsapuwera ng iba ang pagbili ng kopya, hindi kasi head turner. Kung posible lang, sana susunod na edisyong ililimbag, si Manix Abrera ang bumira ng cover. Sa mga ganitong klase ng aklat, swak na swak ang design na ginagawa ni Manix sa mga latest niyang mga compilation, lalo na yung kalalabas niya lang na katipunan ng tatlong pinakaunang mga tomo niya, yung itim at printed with gilded and embossed designs, parang necromicon featuring agimat/antinganting ek ek ang mga elemento o motif; kaya inevitably, itong mga covers ni Manix ang sumulingsuling sa isip ko habang binabasa ang Kumag. Seryoso, si Manix ang dapat magdesign ng bagong cover ng Kumag, para mas enigmatic at esoteric kuno, pero dapat may pop sensibility pa rin.

So yun! 5 stars na naman, gaya ng Iskrapbuk (na mas nagustuhan ko though, kasi nga, indifferent ako sa fantasy genre pero oks naman sa speculative fic.)
Sana talaga, ang susunod na nobela ni Sir Derain ay parang yung mundong ginagalawan ng mga karakter niya sa Iskrapbuk, modernong panahaon ulit. Sadly, hindi ko alam kung paano niya iincorporate ang illustrations niya na gusto ko ulit makita. Pero trip na trip ko yung mga kwento sa iskrapbook e, lalo na yung ke Liaison, Anatomiya ng isang Alila at siyempre yung eponymous na huling kwento. Sana maging kasing prolific din ni Sir Egay si Sir Derain sa paglabas ng mga akda. Anu't anuman, walang sawang pagsuporta pa rin sa inyo at sa panitikan, mula sa hamak na kumag gaya ko. di ko gets AHHH DI AKO MAKAGETOVER LEGIT GALING NI DERAIN SHET HOW NILAMON AKO NG MUNDO NIYA111!!!! VERY EFFECTIVE YUNG WORLDBUILDING NIYA HUSAY HUSAY Pinagbabangga ni Allan Derain sa aklat na ito ang mga alamat (luma at makabago), at kulturang popular. Napakahusay ng pagkakalahad ng marami sa mga ideya sa aklat, at talagang nakatutuwa't nakaaaliw basahin ang alternatibong mga alamat na kinatha sa aklat na ito, pati ang iba't ibang tagpong kagilagilalas. Pabagobago man ang tono ng aklat, umiinog ang kabuuan nito sa mga kumag, sa mga taal ng kumag, sa mga kinukumag, sa mga nagpapakumag at nagpapakakumag. Masarap lumusong sa maharayang kathang ito, na sumisipat sa daigdig at kumakatha ng kasaysayan mula sa ilalim. Nakasandig sa mahusay na pagsisiksik ng mga sinaliksik at sa pagtititik ng mga kakaibang pananalig at samu’t saring ligalig ang matitiktikan sa makabagong daigdig ng pagbabaybay, pagbabanghay, at higit sa lahat, ang pagbabanyuhay mismo ng orakulonaratibo, epikoebanghelyo, parabulanobela ang matutunghayan sa katangitanging akdang ito. Ngunit kailangang mabatid na ang mga may birtud lamang katulad ng alibughang anak, o ang nawawala o nagpakalagalag na tupa at nakipaglaro sa mga lobo, o ang mga demonyong itinaboy papunta sa mga baboy ang makakakuha ng lalim ng mungkahi, ng debosyon sa alamat at talas ng pahayag sa loob ng banal na aklat na ito. Kaya maghanda, dahil bubulagin ng pagsasaling ni Allan Derain ang mga matang mapaghukom ng kung sinuman na emperador o imprimatur. Sasalingin niya ang mga mata nito ng kamay ng disipulong si Tomas katulad sa kung paano ipinasok ng alagad ang kanyang hintuturo at ginalugad ang bukas na sugat sa tagiliran ni Jesus. Kilatisin ng may sinop at timpi ang pagsasalin ni Derain sa mga nagsasalitsalitang bukambibig tungo sa isang saligang akda na maghahawan sa atin ng mga panibagong latag, lagay at latay sa ating mga karanasan bilang kung ano tayo. Sa kabuoan, naniniwala akong hindi isang tao o kumag ang mayakda nito, kundi ang sinauna’t bugtong na bugtong na di alam kahit ng espinghe, at ito ang lehiyon, ang hukbo na minsan ko nang nakita bilang ang horror vacui at nakakatiyak akong ito rin ang tunay na sanhi ng unang sakit na naramdaman ng lahat ng may kalingkingan.
Ang Banal Na Biblia Sa Tagalog Filipino Wika Tagalog Bible Bibliya Tagalog Holy Bible Pumili Ng Isang Aklat Ng Banal Na Bibliya Sa Tagalog Ang Dating BibliaAng Banal Na Layunin Ng Diyos Sa Pagsusugo ReconnectAng Banal Na Layunin Ng Diyos Sa Pagsusugo Reconnect Duration Iglesia Ni Cristo EVangelical Mission , Views Father, ANG BANAL NA SANTO ROSARYO ANG MGA Ang Mga Misteryo Ng Hapis Nang Banal Na Santo Rosaryo L Martes At Biyernes Duration Mega Talksviews How To Train Your Brain To Stop Worrying By Pastor Ed LapizAng Banal Na Santo Rosaryo Ang Pagtatatag Ng Banal Na Eukaristiya Juan Ang Pagkorona Sa Mahal Na Birheng Maria Walang Sanggunian Sa Banal Na Kasulatan Ang Misteryo Ng Liwanag Ay Idinagdag Sa Pagdarasal Ng Santo Rosaryo Ni Santo Papa Juan Paolo II Sa Kanyang Kasulatang Apostoliko Na Rosarium Virginis Mariae Noong Oktubre ,Ipinahayag Niya Roon, Bilang Dasal Para Sa Kapayapaan, Ang Santo Rosaryo Ang Banal Na Hapunan Literal O Espirituwal Tamang DaanNapakaliwanag Na May Literal Na Tinapay At Katas Ng Ubas Sa Isinagawa Ng Panginoong Jesucristo Na Banal Na Hapunan LucasAt Siya Y Tumanggap Ng Isang Saro, At Nang Siya YANO ANG BANAL NA HALIK YouTube Sabi Ng Nagtatanong, Madalas Daw Gamitin Ng Kanilang Ministro Ang Roma Pero Hindi Daw Ipinapaliwanag Ang Kahulugan Ng Banl Na Halik At Kung Ano TalagaAng Banal Na Espiritu Ba Ay Umaalis Pa Sa IsangKahit Ang Banal Na Espiritu Ay Hindi Na Umaalis Sa Mga Tunay Na Mananampalataya, Posible Pa Rin Na Patayin Ang Ningas Ng EspirituTesalonica O Pighatiin Ang Banal Na Espiritu Efeso Laging May Konsekwensya O Pangit Na Resulta Ang Kasalanan Sa Ating Relasyon Sa Diyos At Ito Ang Dahilan Kung Bakit Napapatay Natin Ang Ningas Ng Espiritu Sa Ating Mga Buhay KayaAno Ba Talaga Ang BANAL NA HALIK Ayon Sa Biblia YouTube Please, Watch This Video Bro Eli Have Answered ANG BANAL NA QUR AN Umrah Ang Paglalakbay Patungong Makkah Ang Banal Na Lugar, Upang Isagawa Ang Tawf O Pag Ikot Sa Paligid Ng Ka Bah At Pagsasagawa Ng Sa Ey O Paglalakad Pagpaparoon At Parito Sa Dalawang Maliliit Na Mga Bundok Ng As Safa At Al Marwah Ito Ay Isinasagawa Sa Anumang Oras Sa Buong Taon Ang Umrah Ay Tinatawag Ding Lesser Pilgrimage Sa WikangAng Banal Na Pangalan Ang Paggamit At Kahulugan NitoparPara Sa Higit Na Impormasyon Hinggil Sa Pangalan Ng Diyos, Kahulugan Nito, At Mga Dahilan Kung Bakit Dapat Gamitin Ito Sa Pagsamba, Tingnan Ang Brosyur Na Ang Banal Na Pangalan Na Mananatili Magpakailanman, Na Inilathala Ng Mga Saksi Ni Jehova


About the Author: Allan N. Derain

Is a well-known author, some of his books are a fascination for readers like in the Ang Banal na Aklat ng mga Kumag book, this is one of the most wanted Allan N. Derain author readers around the world.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *